Saturday, July 23, 2011

Jennifer Lopez at Marc Anthony Hiwalay Na



Naghiwalay na ang mag-asawang Jennifer Lopez at Marc Anthony, na tinaguriang "Latino Powerhouse" nagsama din sila ng may higit na pitong taon. May mga anak silang kambal na sina Max at Emme.

Si Marc Anthony ay dating asawa ni Miss Universe Dayanara Torres bago pa man siya ikasal sa pangalawang asawa na si Jennifer Lopez. Si Jennifer Lopez naman ay dating kasal sa Filipino-Portugese na si Chris Judd.

Ina-nunsyo din ng dalawa na isang mahirap na desisyon ang kanilang paghihiwalay at humihingi sila ng privacy mula sa media.


Friday, July 22, 2011

Fingerprint Scanning Papalaganapin sa Holland Kontra Illegal Immigration


Plano ng pamahalaan ng Holland na sugpuin ang mga illegal immigrants sa kanilang bansa gamit ang teknolohiya ng fingerprint scanning.

Maaaring hulihin ng mga Dutch pulis ang sino man tingin nila ay isang illegal immigrant, madali na para sa kanila na i-tsek ang immigration status ng tao sa immigration database gamit ang naturang mobile device.

Ayon sa Dutch media, ang testing ng programa ay aabot hanggang 2012, kung saan pwede pa itong pondohan at palaganapin ng gobyernong Dutch. Ito'y bahagi isang dekada ng immigration crackdown ng pamahalaan.

Thursday, July 21, 2011

Regine Velasquez Buntis sa Edad na 40




Tila maselan ang unang pagbubuntis ng Asia's Song Bird at asawa ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez. Nag-collapse raw ito sa isang pagtatanghal ng pinoy TV Show na Party Pilipinas.

Dito rin sa show na ito, inihayag ng nananabang mommy at batikang singer ang kanyang pakiramdam sa pagbubuntis na mukha na raw siyang “Kalabaw”.



Pero excited din naman niyang ibinahagi ang pangalan ng kanyang magiging anak na lalaki na si "Timothy Joseph" na balak nilang tawagin na "TJ" o "JT" na nasa uso ngayon. May limang buwan na ang pagbubuntis ni Regine Velasquez, manganganak ito sa darating Nobyembre 2011.


Bill Gates Gagawa ng Kubeta Para sa Mga Mahihirap


Isang sa mga pangunahing proyekto ng Gates Foundation ngayon ay ang pag-imbento ng makabagong kubeta para sa mga mahihirap na bansa.

Ayon sa Word Health Organization may higit na 2.2 million katao, kadalasan mga bata
ang namamatay dahil sa diarrhea at poor sanitation. Ito'y sanhi ng bacterial infections tulad ng E. Coli at mga viral at parasitic infections.

Mamigay ang Gates Foundation ng $41.5 million pondo para sa proyektong ito. Si Bill
Gates ay kilala bilang isa sa pinakamayamang tao sa mundo, siya ang may-ari ng kompanyang Microsoft.