Nabuking na rin dati si Myers noong 2006 sa Paducah, Kentucky. Ngunit ng ma-suspende sya sa pagtuturo sinuportahan pa rin siya ng mga kapwa guro at mga magulang. Hindi na renew ang kontrata niya sa nasabing paaralan dahil sa nakatagong nakaraan nito.
"Kahit sinong naging estudyante ko, masasabi nila na kung gaano ko mahal ang pagtuturo, mahal ko ang mga estudyante ko. Di ba dapat yun ang mahalaga at hindi yung pinagdaanan ko?"
Itinuturing ni Myers na isang maling pagkakamali sa buhay niya ang pagpasok niya sa porn industry noong kabataan niya. Gipit lamang siya at immature noong nagawa niya ito. Ang kinita niya sa naturang porno ay ang kanyang ginamit sa panggastos sa matrikula sa kanyang teaching degree.
"Isa itong malaking aral sa kabataan, pag-isipan mabuti ang mga ginagawa sa ngayon dahil nasa huli ang pagsisisi."
No comments:
Post a Comment