Monday, December 12, 2011

Coca-Cola Where Will Happiness Strike Next: The OFW Project

A tribute to Pinoys everywhere by Coca-Cola


Sana umasenso na ang bansa natin para makauwi na ang mga Filipino sa Pilipinas :)

Merry Christmas po sa lahat ng Overseas Filipino Workers mula sa PinoyBalita blogspot

Litrato ni Marilyn Monroe Naibenta ng $300,000

Sa isang memorabilia auction sa Beverly Hills California, naibenta ang larawan ng 60s Sex Icon na si Marilyn Monroe sa halagang $352,000. Ang naturang larawan ay kabilang sa unang serye ng photo shoot ni Marilyn Monroe noong 1946 kung saan kilala pa siya sa kanyang tunay na pangalan na Norma Jeane Dougherty.



Ang mga litrato ay may kasamang mga orihinal na negatibo mula sa photographer na si Joseph Jasgur. Iniutos ng isang hukom ang pagbebenta ng mga litrato para maisayos ang mga utang ni Joseph Jasgur. Ang litrato ni Marilyn Monroe ay isa sa mga mahahalaga niyang assets.

Tuesday, December 6, 2011

Modelo Muntik na Mahati sa Dalawa

Modelo muntik na mahati sa dalawa ng aksidenteng mabangga nito ang umiikot na propeller ng Cessna.



Bumaba mula sa eroplano si Lauren Scruggs para makipagpalit umano ng upuan sa kasamang pasahero sa flight. Hindi naman pinatay ng piloto ang makina at propeller ng Cessna ng magde-board si Lauren Scruggs kung saan nasangka nito ang propeller. Milagro naman at nag-survive ang modelo ngunit malubha ang kanyang natimong mga pinsala sa katawan.

Ni-rush ito sa Parkland Memorial Hospital, kung saan inamputate ang kaliwang kamay at posible na rin tuluyang maing bulag ang kanang mata ni Lauren.

Si Lauren ay kilala sa kanyang komunidad sa Plano, Texas bilang isang modelo, fashion blogger, TV Presenter at Wardrobe stylist sa sikat na TV show na gossip girl. Siya'y maiging binabantayan ngayon ng kanyang kambal na kapatid na si at ang kanyang pamilya.

Monday, December 5, 2011

Apo ni Rita Hayworth Nagpatiwakal

Natagpuang patay si Andrew Ali Aga Khan Embiricos dahil sa suffocation dulot ng isang plastik bag na pinulupot nito sa ulo niya.



Si Andrew ay apo ng klasik Hollywood icon na si Rita Hayworth at anak ng New York Philantropist na si Yasmin Aga Khan. Ang lolo naman nito ay si Prince Aly Khan isang lider ng Shia Islam. Sinasabing tinangka na ni Andrew magpakamatay noon at labas masok ito noon sa drug rehab.

Tangkad Sagad: Malia Obama Halos Malampasan ang Tangkad ng Kanyang Ama



Halos magkasingtangkad na si Presidente Barack Obama at kanyang trese anyos na anak na si Malia Obama. Si Malia Obama ay may tangkad na five-nine habang ang ama nito ay isang six-footer. Pero ayon kay Presidente Obama kahit five-nine na ang taas ni Malia ay tinturing pa rin niya ang panganay na anak na kanyang baby.

Monday, August 15, 2011

Paris Hilton Nasa Manila, Philippines



Nagkagulo kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport sa pagdating ng American heiress na si Paris Hilton.



Nasa Pilipinas ngayon si Paris para sa opening ng kanyang bag boutique sa Megamall at para i-disenyo ang isang club house at beach resort para sa Century Properties. Bibisitahin na rin ni Paris ang kanyang bagong mga bestfriends na sina Filipino boxing champion Manny Pacquiao at ang kanyang butihing maybahay na si Jinkee.

Monday, August 1, 2011

Kabute Ipinangalan kay Spongebob Squarepants




Isang bagong tuklas na species ng kabute ang ipinangalan sa popular na cartoon character na si Spongebob Squarepants.

Ang fungus na Spongiforma squarepantsii ay natuklasan ng mga researchers ng San Francisco State University (SFSU) sa isang expedisyon sa gubat ng Sarawak sa Borneo.



Ang S. squarepantsii ay hugis sea sponge at kahit mamasa-masa ito ay amoy prutas naman ang naturang kabute.

Saturday, July 23, 2011

Jennifer Lopez at Marc Anthony Hiwalay Na



Naghiwalay na ang mag-asawang Jennifer Lopez at Marc Anthony, na tinaguriang "Latino Powerhouse" nagsama din sila ng may higit na pitong taon. May mga anak silang kambal na sina Max at Emme.

Si Marc Anthony ay dating asawa ni Miss Universe Dayanara Torres bago pa man siya ikasal sa pangalawang asawa na si Jennifer Lopez. Si Jennifer Lopez naman ay dating kasal sa Filipino-Portugese na si Chris Judd.

Ina-nunsyo din ng dalawa na isang mahirap na desisyon ang kanilang paghihiwalay at humihingi sila ng privacy mula sa media.


Friday, July 22, 2011

Fingerprint Scanning Papalaganapin sa Holland Kontra Illegal Immigration


Plano ng pamahalaan ng Holland na sugpuin ang mga illegal immigrants sa kanilang bansa gamit ang teknolohiya ng fingerprint scanning.

Maaaring hulihin ng mga Dutch pulis ang sino man tingin nila ay isang illegal immigrant, madali na para sa kanila na i-tsek ang immigration status ng tao sa immigration database gamit ang naturang mobile device.

Ayon sa Dutch media, ang testing ng programa ay aabot hanggang 2012, kung saan pwede pa itong pondohan at palaganapin ng gobyernong Dutch. Ito'y bahagi isang dekada ng immigration crackdown ng pamahalaan.

Thursday, July 21, 2011

Regine Velasquez Buntis sa Edad na 40




Tila maselan ang unang pagbubuntis ng Asia's Song Bird at asawa ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez. Nag-collapse raw ito sa isang pagtatanghal ng pinoy TV Show na Party Pilipinas.

Dito rin sa show na ito, inihayag ng nananabang mommy at batikang singer ang kanyang pakiramdam sa pagbubuntis na mukha na raw siyang “Kalabaw”.



Pero excited din naman niyang ibinahagi ang pangalan ng kanyang magiging anak na lalaki na si "Timothy Joseph" na balak nilang tawagin na "TJ" o "JT" na nasa uso ngayon. May limang buwan na ang pagbubuntis ni Regine Velasquez, manganganak ito sa darating Nobyembre 2011.


Bill Gates Gagawa ng Kubeta Para sa Mga Mahihirap


Isang sa mga pangunahing proyekto ng Gates Foundation ngayon ay ang pag-imbento ng makabagong kubeta para sa mga mahihirap na bansa.

Ayon sa Word Health Organization may higit na 2.2 million katao, kadalasan mga bata
ang namamatay dahil sa diarrhea at poor sanitation. Ito'y sanhi ng bacterial infections tulad ng E. Coli at mga viral at parasitic infections.

Mamigay ang Gates Foundation ng $41.5 million pondo para sa proyektong ito. Si Bill
Gates ay kilala bilang isa sa pinakamayamang tao sa mundo, siya ang may-ari ng kompanyang Microsoft.

Monday, April 18, 2011

Coca-Cola Numero Uno sa Merkado


Ang Coca-Cola ay matagal ng paborito ng mga taong mahilig sa softdrinks. At may ilang dekada na, ang pumapangalawa dito ay ang Pepsi.

Pero ngayon, ang Diet Coke ay nalampasan na ang Pepsi bilang pangalawang popular na softdrink. Ito’y ayon sa datos ng BEVERAGE DIGEST.

Ang regular na COCA-COLA ang numero uno pa rin – nakabenta ito ng mahigit kumulang isa at kalahating bilyong cases ng softdrinks noong isang taon.

Ito’y 1/5 ng summa total ng lahat ng soft drink cases na naibenta. Ang nasa pang-apat na pwesto naman ay ang Mountain Dew na gawa ng PepsiCo.

Pag-lima ang Dr. Pepper. At ang pang-anim na gawa naman ng Coca-cola ay ang Sprite.

Dominante man sa merkado ngayon ang Coke bilang isang popular na brand, ang buong industriya naman ng softdrink ay nakadama ng pagbaba ng benta noong 2010. Patuloy ang pagbaba ng sales ng softdrinks mula noong 2004.

Ang pagtaas sa pangalawang pwesto ng Diet Coke ay masasabing isang consumer trend, na umiiwas na ang mga mamimili sa mga sugary drinks na mataas ang calories. Mas naghahanap na ngayon ang mga tao ng healthier options. Nakatulong din sa beverage industry ang pagpasok ng drinks tulad ng flavored water at low-calorie teas.

Tuesday, April 12, 2011

Nissan nagsimula ng mag-inspeksyon ng Radioactivity sa mga Kotse


Sinimulan na ng Nissan Motors Japan ang pag-scan ng mga kotse nila para sa traces ng radioactive material.

Ayon sa isang company spokesman ng Nissan gagawin ng kompanya ang lahat para masigurado na ang produkto nila ay ligtas mula sa radiation bago pa man magsimula ang kanilang mga shipments.
Ayon naman sa sources sa loob ng kompanya walang peligro ng kontaminasyon mula sa mga kotse at wala itong panganib sa kalusugan ng mga customers.

Ngayon linggo nag-simula ang radioactive inspection dahil sa request na rin ng publiko.

Suspendido naman ang produksyon ng ilang sa mga panggawaan ng Nissan dahil sa huling lindol noong biyernes, nagtamo ng pinsala ang planta at mga makinarya nito.

Monday, April 11, 2011

Benlysta: Good News para sa may karamdaman na Lupus



Inapprove ng Food and Drug Administration ng Estados Unidos ang kauna-unahang gamot para sa sakit na Lupus sa loob ng 50 na taon.

Ito ay tinaguriang isang medikal milestone na ayon sa mga eksperto, ito’y posibleng magbukas pa ng daan para sa mga iba pang drugs na mas epektibo sa paglunas ng mga immune system disorders.

Ang injectable drug kung tawagin ay Benlysta ay ginawa para maalis ang pagsumpong at pananakit sa katawan dahil sa lupus. Ang lupus ay isang malubhang kondisyon kung saan inaatake ng katawan ang sariling organs at tissues nito.

May tinatayang 200,000 lupus patients sa US ang makikinabang sa gamut na Benlysta.

Monday, March 28, 2011

Mga Buntis dapat Umiwas sa Usok ng Yosi

Pag ang babae ay nabuntis, natural lang na ang una nilang binabago sa kanilang sarili ay ang kanilang lifestyle- mas nagiging pihikan ito sa pagkain, tigil na rin sila sa pag-inom ng alak at paninigarilyo. Ngunit ayon sa isang bagong study, ang mga lifestyle changes na ito ay hindi na sapat para magarantisadong ligtas ang sanggol sa sinapupunan.

Kailangan bukod sa maging smoke-free ang bahay dapat kasama na rin maging smoke-free ang opisina o kung saan man nagtratrabaho ang bagong ina.

Kahit hindi nag-yoyosi ang buntis, kung ang mga taong nakapalibot naman dito ay panay ang paninigarilyo, mas malaki ang tsansang maapektuhan ang kalusugan ng bata.

Ang exposure sa secondhand smoke ay maaaring magdulot ng 13% risk ng birth defects sa bata, kasama na rin dito ang posibleng risk na manganak na ‘stillborn’ o patay na ang sanggol paglabas nito.

Ayon sa mga scientifico, ang usok ng sigarilyo ay may higit na 400 na toxic na kemikal. Ang sigarilyo ay may mga heavy metals, DNA damaging agents at Class One Carcinogens- mga kemikal na nakakasama sa kalusugan at nagdudulot ng kanser.

Payo ng mga eksperto sa mga nagsisimula ng pamilya, mas makakabuti kung ititigil muna na ang paninigarilyo bago pa man magbuntis, at iwasan ang anumang secondhand smoke sa kapaligiran dahil kahit anung level ng exposure dito ay hindi makakabuti.

Thursday, March 24, 2011

Mediterranean Diet, Mas Mainam pa rin

Madaming nauusong mga diet ngayon pero ang "Mediterranean diet" pa rin ay isa mga napatunayang healthy na diet.


Ayon sa isang study ng Journal of the American College of Cardiology ang mga diet na masustansya sa isda, prutas, mani at poultry ay malaking epekto sa kabuuang kalusugan ng isang tao. 

Ang diet na ito ay nakakatulong sa pagtaas ng good cholesterol levels, pagbaba ng triglycerides at pagbaba ng presyon.

Ayon na rin sa World Health Organization, naitala noong 2008, na a third ng mga adults sa buong mundo ay overweight at halos isa sa sampung tao ay obese o mataba ang timbang. Mas mataas ang datos ng katabaan pagdating sa mga bata. May higit kumulang 20 million na mga bata ang sinasabing overweight o wala sa tamang timbang.

Monday, March 21, 2011

Teacher Bistado Dati Pa Lang Porn Star

Napilitang mag-resign sa trabaho ang isang high school teacher sa Saint Louis ng mapanood ng isang estudyante ang kanyang lumang porno.


Kumalat ng parang apoy ang nakaraan ng science teacher na si Tera Myers ng mabisto na isa pala siyang porn star. 

Nabuking na rin dati si Myers noong 2006 sa Paducah, Kentucky. Ngunit ng ma-suspende sya sa pagtuturo sinuportahan pa rin siya ng mga kapwa guro at mga magulang. Hindi na renew ang kontrata niya sa nasabing paaralan dahil sa nakatagong nakaraan nito. 

"Kahit sinong naging estudyante ko, masasabi nila na kung gaano ko mahal ang pagtuturo, mahal ko ang mga estudyante ko.  Di ba dapat yun ang mahalaga at hindi yung pinagdaanan ko?" 

Itinuturing ni Myers na isang maling pagkakamali sa buhay niya ang pagpasok niya sa porn industry noong kabataan niya. Gipit lamang siya at immature noong nagawa niya ito. Ang kinita niya sa naturang porno ay ang kanyang ginamit sa panggastos sa matrikula sa kanyang teaching degree.

"Isa itong malaking aral sa kabataan, pag-isipan mabuti ang mga ginagawa sa ngayon dahil  nasa huli ang pagsisisi."

Sa ngayon nag-quit na si Myers sa pagtuturo sa paaralan ng Parkway North. 

Friday, March 18, 2011

Cartoon Characters Patok sa Panlasa ng Bata

Ayon sa isang study ng University of Pennsylvania, mas ma-eenjoy ng mga bata ang lasa ng cereals kung may nakalagay na cartoon characters sa kahon ng mga ito. 

Kahit pa hindi ganung ka-sustansya ang naturang cereal, basta may cartoon character sa packaging siguradong patok na patok ito sa mga bata.

Maganda nga ang resulta ng naturang study ngunit nakakabahala naman na ginagamit na pang-promote ng mga di ma-sustansyang produkto ang mga cartoon characters.

Wednesday, March 16, 2011

Van der Sloot sumisigaw ng Temporary Insanity

Magpapasa ng guilty plea ang abogado ni Joran Van der Sloot gamit ang depensa na "temporary insanity" para bumaba ang sentensya nito sa kasong pagpatay kay Stephany Flores, isang 21 taong anyos na Peruvian.

Umaaapela ang mga abogado ni Van der Sloot na makasuhan ito sa salang "violent emotion murder," ito'y kahintulad ng kasong manslaughter sa Estados Unidos. Pagnahatulan si Van der Sloot ng first degree murder, hindi bababa ng 15 na taon ang kanyang sentensya ngunit kung mahahatulan ito ng manslaughter, limang taon lang ang imamalagi nito sa kulungan.

Si Van der Sloot ay ang pangunahing suspek noong 2005 sa pagkawala ng Alabama teenager na si Natalee Holloway sa Aruba. Hindi nakasuhan si Van der Sloot sa kasong ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Monday, March 14, 2011

Japan Niyanig ng Lindol at Tsunami

Pagkatapos mayanig ng isang 8.9 magnitude na lindol at ng 33 feet na tsunami ang Japan noong Biyernes, sumunod naman ang pagsabog ng isang nuclear power plant sa siyudad Fukushima sa Japan.


Ang Fukushima Daiichi plant ay naapektuhan sa pagyanig ng lindol kung saan nagtamo ng sira ang pumping system nito. Naganap ang pagsabog bandang alas tres ng Sabado, kung saan kitang-kita ang paglabas ng malaking puting usok mula sa loob ng planta. Apat na empleyado ng Tokyo Electric company ang nasugatan habang inaagapan nila ang pag init ng temperatura ng nuclear reactor.

Sa ngayon may radiation leak ng Cesium ang planta at inaagapan ng mga rescue workers at mga opisyal ng Japan na magkaroon ng isang nuclear meltdown. Ang evacuation radius sa paligid ng planta ay dumoble at tinatayang nasa sa 12 miles na ito. Ang radiation level naman ay sinasabing “20 times over the normal level”.

Tinatayang nasa 5 million kabahayan ang walang kuryente at may higit na 215,000 katao ang nasa evacuation centers. Patuloy pa rin ang mga rescue efforts sa mga bayan na tinamaan ng tsunami.

Para sa kompletong balita, bisitahin ang website ng CNN.com

Wednesday, March 9, 2011

Vancouver, Canada ang World's Most Livable City

Ang siyudad ng Vancouver sa Canada ang tinaguriang pinaka-livable city sa buong mundo ayon sa ranking ng Economist Intelligence Unit. Ibig sabihin, ito’y isang ideal na lugar para mamalagi at magtrabaho.


Para sa 2011 survey, nangibabaw ang Vancouver, Canada dahil sa mababang nitong kriminalidad, modernong infrastruktura, maganda klima at mga programang pangkalusugan. 

Tala ng iba pang Livable cities:
1. Vancouver, Canada 
2. Melbourne, Australia 
3. Vienna, Austria 
4. Toronto, Canada

Tuesday, March 8, 2011

Mga Kilos Protesta sa Yemen Gamit ang Facebook

Sa pamamagitan ng pag-gamit ng Facebook ang mga kabataan sa Yemen ay nagsasama-sama upang humiling ng mapayapang pagbabago.

"Gumagawa kami ng kasunduan at sa araw na iyon nagkikita-kita kami online para pagusapan ang mga plano namin."

"Ang pakikipagtalastasan sa Facebook ay humihimok sa mga tao upang gumawa ng hakbang. Nagsasaayos kami ng oras at lugar ng pagtatagpo, lumilikha kami ng mga slogan at pagkatapos ay lumalabas kami upang magprotesta."



"Sa facebook nagsasaayos kami ng kilos protesta para sa pagkakaisa kasama ni President Ali Abdullah Saleh, Nakikipagusap kami sa maraming kabataang lalaki at babae sa loob at labas ng Yemen".

Ayon kay Rashad Saeed, isang social researcher, ang Facebook ay isang mahusay na komunidad upang matuto ang mga tao ng kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at pinagsasama-sama nito ang mga indibiduwal na may malayang mithiin. Maliwanag na ang mga social networking sites ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagkikilos protesta upang makapagtalastasan at magsaayos at mayroong napakalaking tulong sa mga kilos protesta sa mga bansang Arabo.

Ang mga social networks kasama na ang Facebook ay napatunayang isang napakahalagang plataporma para sa kilos protesta sa Yemen. 

Ang mga aktibista naman ng Yemen ay naglunsad ng mga online discussion forum kung saan ang mga demonstrador ay nakapagsasaayos ng mga plano para maging mas epektibo ang kanilang pagkilos. 

Maraming tagapagmasid ang nagsasabi ang bilis at pagiging organisado ng mga protesta sa Egypt at Tunisia ay hindi magiging posible kung wala ang mga social networking site.

Monday, March 7, 2011

Mga Preso sa Nevada Tagapagsanay na mg mga Kabayo

Ang lungsod ng Nevada ay kilalang kilala dahil sa kaniyang kalikasan.

At malamang wala nang ibang maaaring kumakatawan aliasing ito kundi ang mga kabayong malayang gumagala dito. Subalit hindi sapat ang territory ng Nevada para sa lahat ng maiilap na kabayong ito.



Ipapaliwanag ni Joe Harrington kung paanong nalulutas ang suliranin na ito ng mga mustang at kung papaanong sila ay nakakatagpo ng bagong tirahan salamat sa tulong ng isang di-maubos akalaing grupo ng mga tao.

Mahirap paniwalaan na pagkalipas lamang ng kaunting panahon. Ang mga alagang ito ay dating maiilap na kabayong gumagala sa Nevada desert. Pero ang mas higit na nakagugulat ay ang kanilang mga tagapagsanay. Ang mga bilanggo sa Carson City Correctional Center.

"Inabot din ako ng ilang araw bago ko nailagay ang renda sa kaniya medyo mahirap sa simula pero kita niyo naman kung gaano kalumanay na kabayo na siya ngayon."

Umaasa si Alisandro Barajas na ang kaniyang kabayo na si Jack Rabbit ay mabibili nang malaking halaga.

Ayon kay Barajas. Nakulong siya dahil nahulihan siya ng droga ngunit sa pamamagitan ng Bureau of Land Management Program natuto siya ng bagong kakayanan at ng pagtitiyaga.

At kitang-kita na malaki ang natutunan ng mga kabayo sa loob ng 120-araw na pagsasanay.
Bawat isa sa kanila ay pinagbuhusan ng pagmamahal at pagsasanay. Malaki ang naitulong ng mga bilanggo sa kanila.

"Mayroon akong matalik na kaibigan na kabilang sa organisasyon para sa mga mustang at inakay niya ako papunta rito."

Unti-unting kumakalat ang balita tungkol sa programa. Maaaring namumukhaan niyo ang aktor na si Matthew Rhys ng "Brothers and Sisters".

"Nagagalak akong sabihin na medyo natangay ako ng ligaya kaya napabili ako ng dalawang kabayo."

Paglisan ng mga kabayo sa merkadong ito. Sila ay handa na para sa isang bagong buhay. At ganoon din ang masasabi para sa marami sa kanilang bilanggong tagapagsanay.

"Hindi sulit ang mapariwara at maubos ang panahon mo sa loob ng kulungan kung saan malayo ka sa pamilya mo."

May kabuuang bilang na labing anim na kabayo ang nakatagpo ng bagong tirahan sa pagtatapos ng linggong ito. Ang susunod na merkado ay magaganap sa Mayo.

Prince Harry: Best Man ni Prince William

Walang maaaring tumapat sa pagmamahalan ng magkakapatid.

Ang nakababatang kapatid ni Prince William na si Prince Harry ang pinili niya upang maging kaniyang 'best man' sa kaniyang pakikipagisang dibdib kay Kate Middleton sa London ngayong darating na Abril.

Iyan ay ayon sa Royal Family.

At sino naman ang pinili ni Kate Middleton upang tumayo sa kanyang tabi?

Ang kaniyang kapatid na si Philippa naman ang magiging 'maid of honor'.

Wednesday, February 16, 2011