Tuesday, March 8, 2011

Mga Kilos Protesta sa Yemen Gamit ang Facebook

Sa pamamagitan ng pag-gamit ng Facebook ang mga kabataan sa Yemen ay nagsasama-sama upang humiling ng mapayapang pagbabago.

"Gumagawa kami ng kasunduan at sa araw na iyon nagkikita-kita kami online para pagusapan ang mga plano namin."

"Ang pakikipagtalastasan sa Facebook ay humihimok sa mga tao upang gumawa ng hakbang. Nagsasaayos kami ng oras at lugar ng pagtatagpo, lumilikha kami ng mga slogan at pagkatapos ay lumalabas kami upang magprotesta."



"Sa facebook nagsasaayos kami ng kilos protesta para sa pagkakaisa kasama ni President Ali Abdullah Saleh, Nakikipagusap kami sa maraming kabataang lalaki at babae sa loob at labas ng Yemen".

Ayon kay Rashad Saeed, isang social researcher, ang Facebook ay isang mahusay na komunidad upang matuto ang mga tao ng kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at pinagsasama-sama nito ang mga indibiduwal na may malayang mithiin. Maliwanag na ang mga social networking sites ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagkikilos protesta upang makapagtalastasan at magsaayos at mayroong napakalaking tulong sa mga kilos protesta sa mga bansang Arabo.

Ang mga social networks kasama na ang Facebook ay napatunayang isang napakahalagang plataporma para sa kilos protesta sa Yemen. 

Ang mga aktibista naman ng Yemen ay naglunsad ng mga online discussion forum kung saan ang mga demonstrador ay nakapagsasaayos ng mga plano para maging mas epektibo ang kanilang pagkilos. 

Maraming tagapagmasid ang nagsasabi ang bilis at pagiging organisado ng mga protesta sa Egypt at Tunisia ay hindi magiging posible kung wala ang mga social networking site.

No comments:

Post a Comment